Isinalang na sa lifestyle check ang mga pulis na nasasangkot sa illegal drugs operation.
Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP, humingi na sila ng tulong sa Anti Money Laundering Council o AMLC upang tignan ang katayuang pinansyal ng mga pulis.
Samantala, nagsimula na rin ang second level investigation sa lahat ng pulis na kasama sa listahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Napag-alamang lahat ng sangkot na pulis ay pansamantalang naka-kustodiya sa Police Holding and Accounting Unit o PHAU habang sumasailalim sa imbestigasyon.
Sa pinakahuling datos ng PNP, umabot na sa 43 ang kusang loob na nag-report sa PHAU.
By Len Aguirre