Posibleng pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkules o sa mga susunod na araw ang mga lokal na opisyal na sangkot sa illegal drugs.
Kasunod ito ng ginawang cabinet meeting kung saan 27 local executives ang nasa listahang isinumite sa Pangulo.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na karamihan sa sangkot sa iligal na droga ay mga prominenteng pangalan sa mga lalawigan.
Kinumpirma rin ni Panelo na kakilala pa mismo ng Presidente ang ilan sa mga ito, subalit mas nangingibabaw ang kanyang tungkuling pagsilbihan at protektahan ang sambayanan.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)