Kinumpirma mismo ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa may 23 lokal na opisyal ang nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte
Binigyang diin ni Heneral Bato, na pawang mga Alkalde ang nasa listahan ng Pangulo na itinuturong sangkot o protektor mismo ng operasyon ng iligal na droga sa bansa
Gayunman, tumanggi ang heneral na pangalanan ang mga naturang opisyal sa halip, sinabi nito na hayaan na lamang ang Department of Interior and Local Government ang siyang magbunyag sa pagkakakilanlan ng mga iyon
Ipinahiwatig pa ng PNP Chief, posibleng pangalanan din ng Pangulong Duterte ang mga tinaguriang Narco – Mayors tulad ng ginawang pamamahiya nito sa mga Narco Generals
By: Jaymark Dagala