Binigyan ng Philippine National Police ng labing-isang araw na palugit ang mga pulis na kasama sa listahang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte para lumutang at mag-report sa kani-kanilang mother units.
Ayon kay PNP Spokesman police sr. Supt. Dionordo Carlos, sisimulan ang pagbibilang sa 11-araw noong Lunes ng umaga matapos mapaso ang 24-oras na deadline ng Pangulo.
Kung hindi lulutang ang mga naturang pulis, binantaan ni Carlos na idedeklarang AWOL o absence without leave ang mga ito.
Bukod sa pagiging AWOL, kakasuhan din ng insubordination ang mga nagco police kapag hindi sumuko.
Tiniyak naman ni Carlos na kinukunsidera nila ang area of assignment ng mga pulis na nasa narco-list at kung nasa deployment ang mga ito.
By: Meann Tanbio/ (Reporter No. 31 )Jonathan Andal