Mas kinukulang umano sa suplay ng pagkain ang mga nasa sektor ng agrikultura kaysa sa pangkaraniwang pamilyang Pilipino.
Iyan ang lumabas sa pinakabagong survey ng FNRI o Food and Nutrition Research Institute na isinagawa mula taong 2016 hanggang 2018.
Batay sa survey, aabot sa 29.7 percent ng agricultural household ay may sapat na pagkain sa hapag habang ang nasa 50.6 percent naman ng mga pamilyang may sapat na pagkain na wala namang kinalaman sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Christina Malabad, Senior Science Research Specialist ng FNRI, hindi kumkonsumo ng sarili nilang ani ang mga nasa agricultural households sa halip ay binebenta nila ito upang kumita at ibili ng kanilang pangangailangan.
Kaya naman malaki aniya ang epekto ng estadong pang-ekonomiya ng isang pamilya sa estado naman ng kanilang pang araw-araw na pagkain.