Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na matutugis nila ang mga suspek na nasa likod ng kidnapping at human trafficking sa mga dayuhan sa bansa.
Ito’y matapos na maaresto kahapon ng PNP Anti-Kidnapping Group ang suspek sa pagdukot sa 43 mga Chinese nationals na umano’y biktima ng human trafficking.
Naniniwala si DILG Secretary Benhur Abalos na mahuhuli nila ang iba pang kasabwat nang nahuling suspek kahapon na si Chen Yi Bien alyas Ayi, Human Resource Officer ng Lucky South 99.
Samantala, hinikayat ng kalihim ang publiko na agad na isumbong sa kanila ang ganitong uri ng krimen upang maaksyunan ng PNP.