Kakasuhan ng Department of Justice ang mga bilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP) na nasa likod ng mga kontrabando sa loob ng bilangguan.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nagdala sila ng mga miyembro ng SOCO nang galugarin nila ang building 14 sa NBP upang matukoy kung kanino ang mga nakumpiska nilang kontrabando.
Kabilang anya sa kanilang nakuha ay napakaraming cellphone boosters at P400,000.
Gayunman, sinabi ni Aguirre na mas interesado silang alamin kung saan nakatago ang cellphones na ginagamit ng mga inmates sa kanilang mga transaksyon mula sa loob ng bilangguan.
Bahagi ng pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
Jail Guards
Tinanggal ang lahat ng opisyal at mahigit sa 200 jail guards sa New Bilibid Prisons at pinalitang lahat ng SAF o Special Action Force ng PNP.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, isasalang muna sa re-training at re-education ang lahat ng jail guards bago ibalik sa kanilang puwesto.
Sinabi ni Aguirre na iimbestigahan rin nila kung sinu-sino sa mga opisyal o sa mga jailguards ang nakikipasabwatan sa inmates kayat mabilis silang nakakapagpuslit ng kontrabando lalo na ng cellphone.
Ang mga mapapatunayan anyang nagkasala ay ipatatapon niya sa malalayong penal colony.
Bahagi ng pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
By Len Aguirre | Ratsada Balita