Hindi tatantanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na umatake sa Datu Piang, Maguindanao kamakailan.
Ito ang pagtitiyak ng PNP kasunod ng nagpapatuloy pa ring pagtugis ng mga awtoridad sa mga nasabing bandido na walang habas na kumubkob sa bayan at nanunog pa ng police mobile sa lugar dalawang linggo na ang nakalipas.
Sa panayam ng DWIZ kay PNP Spokesman P/BGen. Ildebrandi Usana, mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang agad na mapanagot ang mga nasa likod ng nasabing pag-atake
Bagama’t nananatili sa floating status, nilinaw ni Usana itinuturing nilang bayani ang chief of police ng Datu Piang na si P/Capt. Israel Bayona dahil sa pagkakakaresto nito sa dalawang miyembero ng biff na sangkot sa iligal na droga.
Magugunitang paghihiganti ang nakikitang dahilan ng mga awtoridad kaya’t inatake ng BIFF ang nasabing bayan kung saan, nabatid na ang target ng mga ito ay si Bayona.