Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na kanilang papanagutin ang mga nasa likod ng madugong pagpapasabog sa kanilang metro station na ikinasawi ng labing isa (11) katao at ikinasugat ng mahigit tatlumpu (30) katao.
Kumbinsido si Putin na isang uri ito ng terror attack.
Kasabay nito, nagpaabot na ng pakikiramay si Putin sa pamilya ng mga nasawing biktima.
Tiniyak din ng pamahalaan ng Russia ang agarang tulong sa mga nabiktima ng naturang pagpapasabog.
By Ralph Obina