Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mananagot kaugnay sa lumabas na listahan sa social media hinggil sa mga Alumni ng University of the Philippines o UP na napatay matapos marecruit ng CPP-NPA.
Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff for Civil Miltary Operations M/Gen. Benedict Arevalo, humingi siya ng paumanhin sa mga taong nakasama ang pangalan sa listahan bilang siyang pinuno ng tanggapan kung saan aniya lumabas ang nasabing listahan.
Nakikipag ugnayan na rin aniya sila sa legal team ng Armed Forces kung paano maipaaabot ang kanilang dispensa sa mga personalidad, bukod pa sa pagpapaabot ng kanilang mensahe sa pamamagitan ng facebook.
Magugunitant umalma ang mga UP Alimni na napasama sa listahan ang pangalan matapos ilathalang sila’y patay na at naging kasapi na rin umano ng rebeldeng grupo.
Kasunod nito, sinabi ni Arevalo na mabusisi ang ginagawa nilang internal investigation tungkol sa isyu kung papaano namn lumabas sa Facebook ang naturang listahan. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)