Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-uugnay sa kanyang bunsong anak na si Veronica “Kitty” Duterte sa iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa Tuguegarao City, tinawag ni Pangulong Duterte na black propaganda ang kumalat na ikalawang video ng nagpakilalang ‘Bikoy’ na nagsabing nakatatanggap umano ng pera mula sa mga transaksyon ng iligal na droga si Kitty at kanyang ina na si Honeylet Avanceña.
Kasunod nito, binanatan ng Pangulo ang mga human groups na nagtatangka umanong siraan ang kanyang administrasyon.
Aniya, may ipalalabas siyang intelligence report mula sa ibang bansa na nagdedetalye sa kaugnayan ng mga human groups sa planong pagpapabagsak sa kanya.
“Kayong mga black propaganda, pati ‘yang anak ko na si Veronica, 14 years old, drug addict? May ipalabas ako you just wait.”
“What you did not know is that you are being listened to habang ginagawa ninyo ‘yang mga kalokohan niyo. Ilabas ko ‘yan in a few days, pine-perfect ko lang ang ano. It was an intelligence report not from us but from another country.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—-