Posibleng maharap sa patum-patong na kaso ang mga opisyal ng NHA o National Housing Authority at ang kumpaniyang JC Tayag na siyang contractor ng mga pabahay para sa mga nasalantang super bagyong Yolanda.
Ito’y makaraang mabunyag na tinipid sa pondo at materyales ang mga ginawang pabahay para sa mga Yolanda survivors sa Samar at Leyte na ipinatayo ng nakalipas na administrasyon.
Ayon kay House Committee on Housing and Urban Development at Negros Occidental Representative Albee Benitez, posibleng estafa ang isampang kaso laban sa JC Tayag Incorporated habang gross negligence naman sa mga opisyal ng NHA.
Napag-alamang 60 porsyento ng kabuuang 60.2 billion pesos na pondo ang ginamit para sa mga pabahay kung saan nasa 23,000 units lamang mula sa target na 200,000 housing units ang naipatayo ngunit hindi inookupahan sa takot na gumuho ang mga ipinatayong pabahay.
AR / DWIZ 882