Tinatayang aabot sa P2 bilyong piso ang lugi ng mga nasa poultry sector sa lalawigan ng Pampanga.
Ito’y makaraang maitala ang Avian H5 Bird Flu Virus sa isang poultry farm sa Barangay San Carlos sa bayan ng San Luis sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, ang kanilang lalawigan ang pangunahing nagsu-suplay ng poultry products hindi lamang sa Gitnang Luzon maging sa Metro Manila.
Una nang ipinag-utos ni Agriculture Secretary Emannuel Piñol ang paghihigpit sa mga poultry products sa Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
By Jaymark Dagala