Ipinalabas na ng Central Intelligence Agency o CIA ang nasa 470,000 files na kanilang nasabat nang mapatay si Al Qaeda Leader Osama Bin Laden noong 2011.
Kabilang sa mga materyales na ito ay ang personal na diary o talaarawan ni Bin Laden, ilang mga dokumento, audio at video files.
Ito na ang ika-apat release ng CIA sa mga gamit na natagpuan nang ni-raid ang hideout ni Bin Laden sa Pakistan.
Gayunman, ilang files ang itinatago pa rin ng CIA dahil sa maaari nitong mailagay sa alanganin ang pambansang seguridad ng Amerika.