Umapela ng karagdagang pagkain at malinis na inumin ang mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette sa Bohol.
Ayon kay Anthony Damalerio, officer ng Bohol Provincial Disaster Risk Reduction And Management Office, nakikipag-ugnayan na ang local officials para sa donasyon mula sa private sector upang masiguro ang pantay-pantay na distribusyon ng ayuda.
Ito ay para hindi mag-doble ang ayudang ipamamahagi sa mga residente at para lahat ay mabibigyan.
Sa ngayon, nakakaranas parin ng malawakang power-outage at may ilan paring lugar ang walang suplay ng tubig. — Sa panulat ni Angelica Doctolero