Kinukulang pa rin ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Virac, Catanduanes para mapakain ang 63 barangay na naapektuhan ng super typhoon Rolly.
Dahil dito, umaapela ng tulong si Virac Mayor Sinforoso Sarmiento Jr. sa national government at iba’t-ibang organisasyon para sa kanyang bayan.
Aniya, bigas, hygiene kits at delata ang pangunahing pangangailangan ng kanyang nasasakupan sa ngayon.
Maliit lang aniya ang pondo nila kaya’t mahigit 30 barangay lamang ang nabiyayaan ng ayuda.