Hinimok ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Pilipino na huwag mawawalan ng pag – asa sa pagsisimula ng taon.
Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, dapat ipanalangin ng lahat ang mga naghihirap gayundin ang mga nasalanta ng kalamidad.
Dapat din aniyang ipagdasal ang bawat isa na sa harap ng mga hindi magagandang pangyayari ay salubungin pa rin ang bagong taon na may pananampalataya at tiwala sa Diyos.
Hinikayat din ng Arsobispo ang lahat na ipanalangin din ang mga grupo at komunidad na huwag manghinawang tumulong at pagmalasakitan ang kapwa.