Nasa mahigit 300 pamilya ang naapektuhan ng naganap na magnitude 5.9 na lindol sa Bukidnon noong Lunes, Nobyembre 18.
Ayon kay Bukidnon Public Affairs and Information Assistance Administrative Officer Hansel Echavez, 373 pamilya ang kabuuang bilang na kanilang naitala.
Bukod dito ay mayroon ding nasa 20 paaralan ang nasalanta ng lindol.
Sa ngayon ay humihingi ng karagdagang tent at food packs ang lokal na pamahalaan para sa mga naapektuhan ng lindol.