Aabot sa mahigit 10 at inaasahang darami pa ang mga masasampolan ng ginagawang paglilinis ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa Mabuhay Lanes.
Katuwang ng MMDA ang PNP Highway Patrol Group sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga alternatibong daanan bilang paghahanda ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Paaalala naman ng mga otoridad, mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada sa lahat ng kalyeng sakop ng Mabuhay Lanes mula ala-6:00 hanggang alas-9:00ng umaga.
Giit ni MMDA Chairman Emerson Carlos, sapat na ang panahon na kanilang ibinigay para maiparating ang impormasyon sa mga residente at may-ari ng mga establisyemento kaya’t walang dahilan para hindi sila sumunod.
Banta pa ni Carlos, babatakin ang mga nakahambalang sasakyan para sa mga mananatiling pasaway at hindi tatalima sa kanilang kautusan.
By Jaymark Dagala