Isang pabrika sa Sri Lanka ang gumagawa ng mga kabaong na gawa sa karton upang gamitin para sa mga indibidwal na nasasawi sa COVID-19.
Ayon kay Priyantha Sahabandu, isa sa mga nakaisip nito at isang local government official, iminungkahi niya ito sa health committee doon upang maiwasan ang environmental destruction.
Ang mga kabaong na gawa sa recycled paper ay nagkakahalaga lamang ng 4,500Rs ($22.56) o katumbas ng P1,126 na higit na mas mura sa 30,000Rs na ataul na gawa sa kahoy.
Noong nakaraang Biyernes ay umabot sa 198 ang naitalang namatay sa COVID-19 kung saan pumalo na sa 7,560 na ang kabuuang bilang ng nasasawi dahil sa virus.Sr
Sinabi pa ni Sahabandu na kada araw ay aabot sa 400 katao ang daily average ng mga namamatay sa Sri Lanka sa iba’t ibang dahilan, kabilang na ang COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico