Nadagdagan ng 100 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
Ayon sa tala na inilabas ng Department of Health (DOH), ito ang dahilan kung bakit lumobo na sa 26,015 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa virus.
1,478,061 naman ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na maitala ang panibagong 5,204.
Sa naturang bilang, 49,128 naman ang bilang ng mga nanatiling aktibo sa virus.
Samantala, sa kaparehong case bulletin ng DOH, pumalo na sa 1,402,918 ang bilang ng mga nakarekober sa virus matapos na madagdagan ng 5,811 na mga bagong gumaling sa COVID-19.