11 katao ang nasawi dahil sa epekto ng Low Pressure Area (LPA) sa Silangang bahagi ng Surigao Del Sur.
Ayon kay Joint Information Center Head Diego Agustin Mariano ng Office of Civil Defense, nasa 263,000 indibidwal o katumbas ng 63, 101 pamilya ang apektado ng pag-ulan dulot ng LPA sa Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, MIMAROPA, Northern Mindanao, Davao at BARMM.
Sa nasabing bilang, nasa 3,387 indibidwal o katumbas ng 815 pamilya ang inilikas.
Naitala naman ang pinsala sa imprastruktura na aabot sa P 125, 490, 260 habang nagkakahalagang 77, 934, 325 ang danyos sa agrikultura.
Samantala, nasa P 8 , 985, 566 ang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga naturang biktima.