Pumalo na sa 20 indibidwal ang bilang ng mga nasawi matapos mahulog ang isang forward truck sa Barangay Lamsalome, T’boli, South Cotabato.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction And Management Office Head Operations And Warning na si Rolly Doane Cuenca Aquino, karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng malalang sugat sa ulo, gasgas sa kanilang katawan, at pagka-dislocate ng mga buto dahil sa lakas ng impact ng pagkahulog ng truck.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng naturang truck ang nasa 34 na pasahero na papauwi na sana mula sa nigt swimming nang mahulog ang kanilang sinasakyan.
Tinitignan na ngayon ng mga otoridad kung isa sa mga dahilan nang pagkahulog sa bangin ng truck ay ang pagkawala ng preno o pagsabog ng gulong ng sasakyan. —sa panulat ni Angelica Doctolero