Nadagdagan pa ang bilang ng mga kinukumpirmang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.
Batay sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 30 na ang napaulat na namatay dahil sa bagyo.
14 sa mga nasawi naitala sa Ilocos Sur, isa Pangasinan, dalawa sa Cagayan, apat sa Palawan, at siyam sa Benguet.
Sa bilang na ito ng mga napaulat na nasawi, 19 ang kumpirmado na ng NDRRMC.
Samantala 3 naman ang naitalang sugatan habang 11 ang missing at ngayon ay target ng search and rescue operation. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)