Umakyat na sa 122 ang patay sa Bagyong Paeng.
Pinaka-marami ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na 61.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 103 katao ang nasugatan habang 36 ang nawawala.
Umabot naman sa mahigit 3.3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad sa tinatayang 7,000 barangay.
Kabilang na rito ang halos 177,000 kataong nasa evacuation centers.