Pumalo na sa apatnapu’t walo (48) katao ang bilang ng mga nasawi sa sakit na dengue sa Central Visayas mula Enero 1 hanggang Abril 1 ngayong taon.
Ayon sa RESU o Regional Epidemiology Surveillance Unit ng Department of Health (DOH), higit na mataas ito kumpara noong nakaraang taon.
Batay sa kanilang ulat, pinakamarami ang nasawi sa Cebu City na umabot sa labingpito (17) at may mahigit sa siyamnaraang (900) kaso ng dengue.
Magugunitang Oktubre noong nakaraang taon nang isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu dahil sa nakaka-alarmang bilang ng kaso ng dengue na pumalo sa mahigit limang libo (5,000).
By Krista de Dios