Umakyat na sa 114 ang nasawi sa malawakang flashfloods at landslides sa Bangladesh at Northeastern India bunsod ng walang tigil na pag-ulang dalat ng habagat.
Tinatayang 6 milyong katao naman ang apektado sa Bangladesh habang nasa 3,000 sa India.
Ayon sa mga otoridad, kabilang sa mga matinding nalubog sa Bangladesh ang Sylhet, Sunamganj at Netrokona districts kung saan lampas ng unang palapag ng bahay ang taas ng tubig.
Pinaka-marami namang naitalang death toll sa Assam State, India na walumpu’t dalawa.
Ito na sa ngayon ang pinaka-matinding pagbahang humagupit sa mga nasabing lugar sa mga nakalipas na ilang dekada.