Sumampa na sa halos 130 ang nasawi sa flashfloods at landslides bunsod ng malakas na pag-ulan sa Japan.
Nasa 60 katao pa ang nawawala habang dalawang milyong iba pa ang apektado o nagsilikas patungo sa matataas na lugar.
Kabilang sa mga pinaka-matinding nasalanta ang mga lalawigan ng Okayama, Hiroshima, Kyoto at Fukuoka.
Matapos humupa ang baha, inilarga na ng Japanese Government ang paghahanap sa mga nawawala at malawakang cleanup operations.
Dahil dito, kinansela ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang kanyang biyahe sa Belgium, France, Saudi Arabia at Egypt upang tumutok sa disaster relief operation.