Sumampa na sa 97 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette sa Bohol.
Kinumpirma ni Anthony Damalerio ng Bohol Disaster Risk Reduction and Management Office na mahigit 100 na rin ang nasugatan at nawawala, anim na araw matapos hagupitin ng bagyo ang lalawigan.
Ayon kay Damalerio, nananatiling walang kuryente sa Bohol makaraang magbagsakan ang power lines kaya’t inaasahan na nila ang madilim na pasko habang hindi pa rin operational ang water services.
Napinsala rin anya ang kanilang koneksyon sa Leyte kaya’t hindi nila ma-i-restore ang pumping stations at lahat ng water utilities ay walang power kaya’t kailangan nila ng supply ng malinis na inuming tubig.
Samantala, kritikal naman ang sitwasyon sa mga island barangay sa lalawigan lalo’t malayo ang mga ito sa provincial proper.