Nilinaw ng isang grupo na hindi mga miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) ang mga nasawi sa operasyon ng militar sa Tapaz, Capiz.
Ayon sa grupong Pamanggas, ang siyam na nasawi ay mga miyembro ng Indigenous People mula sa Tumandok.
Kabilang anila sa nasawi ay ang Tumanduk Council na si Eliseo Gayas Jr. ng Barangay Aglinab.
Bago nasawi, nakaranas pa umano ng pagpapahirap ang grupo.