Pumalo na sa 36 na indibidwal ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pag-atake at karahasan sa West Darfur region sa Sudan.
Nabatid na sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga armadong grupo at Sudan Armed Forces kung saan, umabot narin sa mahigit 100K pamilya ang napilitang lumikas.
Ayon sa mga otoridad, may ilan pang nawawala matapos sunugin ang apat na village sa lugar gamit ang mga rifle fire.
Samantala, kinondena na ng Resistance Committee ang naganap na karahasan sa nabanggit na lugar
Matatandaang taong 2003, nagkaroon din ng bakbakan sa lugar kung saan, nasawi ang 300 katao at ikinalikas naman ng 2.5M indibidwal dahil sa pinagtatalunang lupa ng mga Ethnic Minority Rebels.
Nagkaroon din ng katulad na karahasan noong November 2021 na nag-iwan naman ng 43 nasawi at nasunog ang 46 na nayon. —sa panulat ni Angelica Doctolero