Sumampa na sa tinatayang 300 ang patay sa mudslide at flashfloods sa Freetown, Sierra Leone bunsod ng walang tigil na ulan.
Ayon sa International Red Cross, tinatayang 2000 residente naman ang apektado ng kalamidad
Daan-daang bahay ang nilamon ng lupa sa bulubunduking bahagi ng Freetown at karamihan sa mga residente ay tulog nang gumuho ang ga-bundok na putik.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations at humanitarian efforst sa naturang lugar.