Sumampa na sa 38 ang patay habang mahigit 100 naman ang napaulat na nawawala sa itinuturing na pinakamatinding wildfire sa California.
Ayon sa ulat, umaabot na sa 10, 000 mga pamatay sunog kabilang ang mga air tankers at choppers ang nagtutulong tulong para mapigil ang pagkalat at maapula ang mahigit isang linggo nang wildfire.
Napilitan namang lumikas ang nasa 100,000 mga residente sa hilagang San Francisco dulot ng nasabing wildfire.
Tinataya namang nasa 86 na ektarya na ang naapektuhan ng nasabing sunog.