Nanatili pa sa ospital ang ilang biktima ng sumabog na tangke ng tubig sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan kahapon.
Ayon kay Rolando Soriano public information officer ng San Jose Del Monte, nakalabas na sa pagamutan ang ilang mga nagtamo ng minor injuries samantalang nanatili pa ang ilang malalang mga nasugatan.
Ayon kay Soriano, hindi pa rin nila natutukoy ang dahilan ng pagsabog ng water tank kung saan apat ang namatay at higit sa apatnapu ang sugatan.
Samantala, isang misa ang idinaos kaninang umaga ng mga residente sa mismong kinatayuan ng bumigay na water tank sa Barangay Muzon.