Binigyang-tulong ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga residenteng nasunugan sa Paco sa Maynila.
Mababatid na hinatiran ng pagkain, tent at iba pang mga kagamitan ang mga nasunugan na pansamantalang nanunuluyan sa Manuel Roxas School.
Habang ang iba pang mga residenteng nasunugan ay pinili na lang na manatili sa gilid ng lansangan para anila’y makaiwas sa posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nauna rito, dakong alas-4:36 ng madaling araw kanina nang masunog ang isang residential area sa bahagi ng Burgos-Zamora.
Umabot ng ikaapat na alarma ang sunog bago ito tuluyang idineklarang fire under control ng alas-7:28 ng umaga.
Samantala, itinuturo namang dahilan ng sunog ang pag-putok ng isang rice cooker.