Hihimayin na ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong natanggap ng ‘task force on corruption’ sa susunod na linggo.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, magpapatawag siya ng meeting ng main task force at dito tutukuyin kung alin ang mga reklamong dapat tutukan ng special investigating teams.
Pagkatapos aniya nito ay saka sila magbibigay ng update sa publiko ukol sa mga naturang kaso.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng task force para imbestigahan ang korapsiyon sa mga ahensya ng pamahalaan na kinabibilangan din ng Department of Public Works and Highways (DPWH).