Patuloy na nababawasan ang mga tawag na natatanggap ng One Hospital Command Center sa gitna ng pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Dr. Marylaine Padlan, Medical Officer ng One Hospital Command, nasa 150 hanggang 200 tawag na lamang ang kanilang natatanggap ngayong linggo.
Kumpara ito sa 200 hanggang 300 tawag noong mga nakalipas na linggo.
Karamihan sa mga tawag ay mula pa rin sa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon.
Bagaman kaunti na ang tawag na kanilang natatanggap at mga kasong naitatala, kailangan pa rin anya ng masusing pag-aaral sa trend ng virus bago magluwag ng quarantine restrictions o ibaba ang alert level sa Disyembre. —sa panulat ni Drew Nacino