Labing anim (16) na natatanging indibiduwal sa larangan ng edukasyon sa bansa ang ginawaran ng Gintong Parangal Award ng Department of Education o DepEd.
Ayon kay Jonathan Pauig, project manager ng naturang aktibidad, walong natatanging guro ang kanilang pinili mula sa libu-libong entrees dahil sa pagpapakita ng sipag at dedikasyon sa kanilang tungkulin
Maliban sa plake, binigyan din ng tig-25,000 Pisong cash o scholarship sa kanilang graduate studies ang ilan sa mga pinarangalan
Kasabay nito, ginawaran din sa kauna-unahang pagkakataon ng Gintong Parangal Award ang mga namumuno sa DEPED na may ranggong superintendent o supervisor.
Inorganisa ang nasabing okasyon ng Fortune Life na sister company ng Aliw Broadcasting Corporation sa ilalim ng ALC Group of Companies na itinatag ng Founder at Chairman Emeritus nitong si yumaong Ambassador Antonio Cabangon – Chua.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE
Photo Credit: D. Edgard A. Cabangon FB Account