Dinemolish na ang mga natitira pang mga kubol at iba pang iligal na istraktura sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
4 a.m. pa lamang nang magtipon sa NBP ang may 1,500 opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangunguna nina PNP-NCRPO Chief Guillermo Eleazar at BuCor Chief Gerald Bantag.
Ayon kay Eleazar, posibleng magtagal hanggang sa Biyernes ang gagawin nilang demolisyon ng mga kubol.
TINGNAN: Mga natitira pang mga kubol at iba pang iligal na istraktura sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), giniba; ito’y sa pangunguna nina PNP-NCRPO Chief Guillermo Eleazar at BuCor Chief Gerald Bantag maging ng ibang kinauukulang ahensya
: NCRPO pic.twitter.com/kXYrKs1sO1— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 9, 2019
Mas mabilis na anyang matutumbok ang mga iligal na aktibidad ng mga nasa Bilibid kapag wala na ang kubol na nagsisilbing kublihan ng mga high profile na preso.
Kasabay ng demolisyon ay nakakumpiska rin ang team ng illegal drugs, mga armas, sex toys, appliances at mayroon pang cash.