Umakyat na sa 19.7 milyong Pilipino ang naturukan ng Covid-19 booster sa buong bansa.
Ang nasabing bilang ay 25% ng 70 million eligible population na nakatanggap ng unang booster shot at primary dose.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kabilang sa tumanggap ng booster ang 3.2 million individuals na tinurukan sa ilalim ng “PinasLakas” campaign.
Para makamit ang 30% target bago mag-Sabado, Oktubre a – 8, na hudyat ng unang 100 araw ng Marcos Administration, kailangan pa anyang makapag-administer ang gobyerno ng 3.6 million booster jabs.
Sa ngayon ay umabot na sa 73.2 million Filipinos ang fully vaccinated laban sa Covid-19.