Tukoy na ng Department of Health-Mimaropa ang mga mag-aaral mula sa nasabing rehiyon na naturukan ng dengvaxia.
Ipinabatid ni Regional Director Dr. Eduardo Janairo na ang 74 na mag-aaral ay nagmula sa Mindoro Occidental at Oriental gayundin sa Marinduque kung saan dalawa sa mga ito ay nabigyan pa ng full medical assistance.
Ayon kay Janairo, ang mga nabakunahan ng dengvaxia ay may edad 9 hanggang 14 at karamihan sa mga ito ay naturukan sa mga pribadong klinika.
Nabatid na dalawa sa mga tinukoy na recipient ay naka-confine sa Quirino Memorial Medical Center matapos na makaranas ng sakit sa tiyan at ulo, lagnat, ubo at mga pantal o rashes subalit nang makarekober ay pinalabas na rin ng ospital.
—-