Posibleng magkaroon ng ikatlong dose o “booster shot” ang mga naturukan ng Sinovac vaccine.
Ito’y matapos lumabas sa isang pag-aaral ng mga eksperto sa China na bumababa ang nabuong antibodies buhat sa Sinovac COVID-19 sa loob ng anim na buwan.
Isinailalim sa pag-aaral ang ‘blood samples’ ng 50 malulusog na adults na may edad 18-59 taong gulang.
Sa mga partisipante na tumanggap ng 2 dose ng Sinovac na may 2-4 na linggong pagitan, nasa 16.9% at 35.2% lang sa kanila ang may natukoy na antibodies matapos ang anim na buwan.
Inaalam pa ng mga eksperto kung ang pagbaba na ito ay makakaapekto sa bisa ng bakuna.
Samantala, nilinaw ni Health Sercretary Francisco Duque III na wala pang rekomendasyon ang ‘vaccine expert panel’ kung maaari nang magbigay ng booster shot sa mga naturukan ng Sinovac.