Umabot na sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga naturukan ng booster shot sa ‘resbakuna sa botika’ program ng gobyerno.
Ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC), karamihan sa mga naturukan sa 5 botika at 2 klinikang kasama sa pilot run ng nasabing programa ay nagsabing mas convenient ito bilang alternatibong vaccination sites.
Matatandaang inihayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na plano ng gobyernong magkaroon ng expansion ng naturang vaccination drive sa iba pang accredited pharmacies and clinic sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon sa Pebrero. —sa panulat ni Airiam Sancho