Malaki ang posibilidad na “patay na” ang 34 na sabungero na nawawala simula pa noong isang taon.
Ito ang inamin ni Justice secretary Boying Remulla sa gitna nang kanyang pagtalakay sa posibleng pag-apply ng International Humanitarian Law kaugnay sa pagkawala ng mga cockfighting enthusiast.
Ayon kay Remulla, sa pagkakataong ito ay lumalaki ang posibilidad na mayroong “Presumption of Death” kung walang anino o bakas ng mga nawawalang tao.
Sa katunayan anya ay matatawag ng mga “patay” sa halip na mga “nawawalang sabungero” ang 34 na biktima.
Aminado rin ang Kalihim na nakalulungkot mang sabihin subalit ang katotohanan ay maliit na ang tsansa na magpakita ang mga ito.
Nawala o dinukot ang 34 na sabungero simula noong Agosto ng nakaraang taon hanggang nitong Enero ng kasalukuyang taon.
Samantala, nakatakda muling makipag-dayalogo si Remulla sa pamilya ng mga sabungero sa January 11, 2023.