Tutol ang mga negosyante sa posibilidad na isapribado ang mga paliparan sa bansa.
Sa gitna ito ng naranasang aberya sa Ninoy Aquino International Airport dahilan upang makansela ang halos 300 flights at maapektuhan ang libu-libong pasahero sa unang araw ng bagong taon.
Iginiit ni Philippine Chamber of Commerce and Industry president George Barcelon na hindi maaaring isapribado ang lahat ng airport sa bansa.
Mas ligtas anya ang kanyang pakiramdam kung gobyerno pa rin ang mangangasiwa ng mga airport.
Kabilang ang flight ni Barcelon mula dubai, sa mga naapektuhan noong linggo.
Binuhay naman ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion, Private Sector Advisory Council Member ng Marcos Administration, ang 2018 proposal na lumikha ng isang consortium upang i-modernize ang NAIA.
Kung seryoso anyang dininig ng gobyerno ang proposal, noon pa sanang isang taon hanggang 2024 sinimulan ang rehabilitasyon ng nabubulok na airport.
Pero bago pa man nanganap ang aberya, una nang inanunsyo ni Transportation secretary Jaime Bautista na bukas ang administrasyon sa mga proposal na isapribado ang pangunahing gateway ng bansa.