Positibo ang naging pagtanggap ng mga negosyante sa programang pang-ekonomiya ng administrasyon.
Sa tatlong oras na dinner meeting noong Martes, Enero 17, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na napag-usapan ng Pangulo at mga negosyante ang pederalismo, kontraktwalisasyon, paglikha ng mga trabaho, at reporma sa buwis.
Inorganisa ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion ang nasabing pulong na naglalayong aktibong makilahok ang mga negosyante sa mga isinusulong ng gobyerno, partikular ang pagpapalago sa ekonomiya ng bansa.
Sa nasabing pulong, muling inihayag ni Pangulong Duterte na hangad niyang makapagbigay ng maraming trabaho upang maiangat ang buhay ng mga Pilipino.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping