Nababahala ang mga negosyante sa pagkakasibak ng Korte Suprema kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Makati Business Club Executive Director Coco Alcuaz, mas magiging maayos sana ang pagpapatalsik sa punong mahistrado kung isinagawa ito sa pamamagitan ng impeachment.
Dapat din anilang panatilihin ni Pangulong Rodrigo Duterte mataas na standards sa mga susunod na appointment sa hudikatura.
Sa botong 8-6 sa Special En Banc Session, kinatigan ng Supreme Court ang inihaing Quo Warranto Petition ni Solicitor-General Jose Calida na inihihirit ang pagpapawalang-bisa sa appoint ni Sereno bilang punong mahistrado noong 2012.