Nanawagan ang ilang business groups sa mga mambabatas na ipasa na ang tatlong investement reform bills.
Iyan ay para sa pagbubukas ng ekonomiya para magkaroon ng mga foreign investments.
Sa isang joint statement, sinabi ng mga business groups na ang tatlong nakatengga sa kongreso ay maaaring maameyendahan ang public service act og 1936, Retail Trade Act of 1954 at Foreign Investment Act of 1991.
Ayon pa sa kanila, palalakasin nito ang ekonomiya ng Pilipinas, itataas ang ating kompetisyon, makagagawa ng mga trabaho at susuporta ito sa pagbangon ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Certified as urgent naman na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasabing panukalang batas.—sa panulat ni Rex Espiritu