Naalarma ang grupo ng mga negosyante sa nangyayaring bangayan sa politika sa bansa.
Ayon sa mga negosyante, nararapat na maging mahinahon ang mga lider ng bansa upang hindi na ito makaapekto sa pamumuhunan.
Nanawagan ang 13 business organization na pumirma sa joint statement, bigyang dignidad ang kanilang mga posisyon upang hindi maka-apekto sa pamumuhunan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga pumirma sa joint statement ang justice reform initiative; Ateneo De Manila Law Alumni Association; Energy Layers Association of the Philippines; Filipina CEO Circle. – Sa panulat ni Jeraline Doinog