Humirit ang Employers Confederation of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry at Philippine Exporters Confederation na tanggalin na ang penalty na 3% kada buwan sa mga employers na hindi nakabayad ng kontribusyon sa home development mutual fund o pag-ibig ng kanilang manggagawa.
Kaugnay nito, sinabi ni Pag-Ibig CEO Acmad Moti na irerekomenda niya sa board na aprubahan ang condonation ng penalty sa kontribusyong hindi naihulog mula September 2019 hanggang ngayon.
Ito ay dahil kapag hindi naihulog ng employer ang nasabing kontribusyon ay maapektuhan ang maaaring utangin ng manggagawa sa pag-ibig fund at kung uutay-utayin naman ang pagkompleto ng kontribusyon ay liliit din ang maaaring utangin ng miyembro.
Maliban dito, umapela rin ang mga negosyante sa Social Security System (SSS) na ibalik sa dating mas mababang rate ang kontribusyon ng mga manggagawa. — sa panulat ni Hya Ludivico.